Imahe ng Birhen Maria (ng mga Katoliko) na lumuluha diumano ng dugo |
Maling Aral
Isa sa mga maling aral ng Iglesia Katolika ay ang paniniwala na si Maria ay 'Ina ng Diyos'. Bakit mayroon silang ganitong paniniwala? Ganito ang pahayag ng kanilang aklat:
""77. Why is the Blessed Virgin Mary the Mother of God?
The Blessed Virgin Mary is the Mother of God because Jesus, her Son, is God.""
""77. Bakit ang Banal na Birhen Maria ay Ina ng Diyos?
Ang Banal na Birhen Maria ay Ina ng Diyos, sapagkat si Jesus, na kaniyang Anak, ay Diyos.""
The Creed, p. 111(Grau, Ma. Veritas, D.S.P. The Creed. Nihil Obstat: Rt. Rev. Msgr. Victor R. Serrano, H.P., Censor. Imprimatur: Rt. Rev. Msgr. Benjamin L. Marino, P.A., Vicar General & Chancellor. Pasay, Metro Manila: Saint Paul Publications, n.d.)
Kaya raw naging ina ng Diyos si Maria ay dahil si Cristo na kaniyang anak ay Diyos. Ang paniniwalang ito ay walang saligan sa Biblia. Ano ba ang pagpapakilala ng Biblia kay Maria?
Ina ni Jesus
Gawa 1:14 ""Silang lahat ay matatag na nagpatuloy na nagkakaisa sa panalangin at paghiling. Kasama nila ang mga babae at si Maria na ina ni Jesus. Kasama rin nila ang mga lalaking kapatid ni Jesus.""(SND)
Ina ng Panginoon
Lukas 1:43 ""Papaano nangyari ito sa akin na ang ina ng aking Panginoon ay pumunta sa akin?""(SND)
Maliwanag sa mga talata na hindi pinakilala si Maria na Ina ng Diyos. Walang mababasa na siya ay tinawag na 'Ina ng Diyos". Sa katunayan, walang matatagpuan sa Biblia na ginamit ang ekspresyong 'Ina ng Diyos'. Ito ang pinatutunayan ng isang tagapagturong Katoliko:
""The Bible nowhere uses the expression 'Mother of God'. It refers to Mary as 'the mother of Jesus' and ' the mother of the Lord'.""
""Walang matatagpuan sa Biblia na ginamit ang ekspresyong 'Ina ng Diyos'. Binabanggit nito si Maria bilang 'ina ni Jesus' at 'ina ng Panginoon'.""
Fundamentals of Mariology, p. 37(Carol, Juniper B., O.F.M. Fundamentals of Mariology. Imprimi Potest: Celsus Wheeler, O.F.M., Provincial Nihil Obstat: John A. Goodwine, J.C.D., Censor Librorum. Imprimatur: Francis Cardinal Spellman, Archbishop of New York. New York: Benziger Brothers, Inc., 1956.)
Kung gayon, bakit nabuo ang ganitong maling paniniwala? Ito ang pagtatapat mismo ng simbahang Katoliko:
""3. Pangkalahatang Concilio ng Efeso, 431
Upang mapabulaanan ang erehiyang kristolohikal ni Nestorius, ipinahayag na muli ng conciliong ito ang doktrina sa tunay na pagkatao ni Kristo, at ipinangaral na tunay na Theotokos, Ina ng Diyos, ang Kaniyang ina, ang Banal na Birhen Maria, sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao.""
Ang Aral ni Kristo: Isang Katesismong Katoliko, p.647(Salin sa Pilipino ni Bayani Valenzuela, SVD-Mula sa "The Teaching Of Christ-A Catholic Cathecism for Adults." Nihil Obstat: Reberendo Laurence Gollner, Censor Librorum. Imprimatur: Leo A. Pursley, D.D., Obispo ng Fort Wayne-South Bend. Quezon City, Philippines: JMC Press, Inc., 1978.)
Samakatuwid, ang maling aral na si Maria ay 'Ina ng Diyos' ay nabuo lamang sa Konsilyo ng Efeso noong 431 A.D., daan-daang taon na ang nakalipas matapos na isulat ang Biblia. Bakit natin natitiyak na ito ay maling aral? Dahil kung si Maria ay 'Ina ng Diyos', lilitaw na ang Diyos ay anak ng tao sapagkat si Maria ay isang tao. Maniniwala ka pa rin ba sa aral na ito kahit na sasalungat ito sa nakasulat sa Biblia?
Bilang 23:19 ""Ang Dios ay hindi tao na magsisinungaling, Ni anak ng tao na magsisisi.....""