Biyernes, Hunyo 21, 2013
Si Cristo ba ay Dios ayon sa Juan 6:46?
Isa sa mga talatang ginagamit ng mga naniniwala sa pagka-dios diumano ng Panginoong Jesucristo ay ang nakasulat sa Juan 6:46.
""Hindi sa ang sinoma'y nakakita sa Ama, kundi yaong nanggaling sa Dios, siya ang nakakita sa Ama.""
Ang tunay na kahulugan
1 Timoteo 1:17 ""Ngayon sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, DI NAKIKITA, sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa.""
Ang ating Ama na siyang iisang tunay na Dios ay hindi nakikita. Ito ay sapagkat ang tunay na Dios ay Espiritu sa kalagayan (Juan 4:24), walang laman at mga buto (Lukas 24:39).
Ano ba ang kahulugan ng sinabi ni Cristo na siya lamang ang nakakita sa Ama? Sa Juan 14:7 ito ang nakasulat:
""Kung ako'y nangakilala ninyo ay mangakikilala ninyo ang aking Ama: buhat ngayon SIYA'Y INYONG MANGAKIKILALA, at siya'y INYONG NAKITA.""
Si Cristo lamang ang nakakita sa Ama sapagkat siya lamang ang nakakikilala sa Ama o sa Diyos. Ngunit hindi ito marapat ipakahulugan na Siya ay Diyos, sapagkat Siya ay sugo ng Diyos.
Juan 7:28-29 ""Sumigaw nga si Jesus sa templo, na nagtuturo at sinasabi, Ako'y inyong nakikilala at nalalaman din naman ninyo kung taga saan ako; at hindi ako naparito sa aking sarili, datapuwa't ang nagsugo sa akin ay tunay, NA HINDI NINYO NAKIKILALA. SIYA'Y NAKIKILALA KO; SAPAGKA'T AKO'Y MULA SA KANIYA, at siya ang nagsugo sa akin.""
Nakikilala ni Cristo ang Diyos sapakat Siya'y mula sa Diyos. Hindi ito maaaring ipakahulugan na si Cristo ang Diyos sapagkat siya ay isinugo ng Diyos. Iba ang Diyos na nagsugo kaysa kay Cristo na isinugo. Iba si Cristo na nanggaling sa Diyos kaysa sa Diyos na pinagmulan Niya.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento