Isang matagumpay na gawain ng Iglesia bunga ng pagkakaisa |
Isa sa doktrinang itinataguyod ng Iglesia ni Cristo ay ang pagkakaisa ng mga kaanib. Hindi kaila sa maraming tao na ang Iglesia ni Cristo ay nagkakaisa, lalo na't mas nahahayag ito sa tuwing dumarating ang halalan. Ang pagkakaisa ay tinutupad ng Iglesia hindi lamang sa tuwing eleksyon kundi maging sa iba't ibang gawain tulad ng mga community clean up drives, blood letting projects, paglingap sa mga mamamayan, pagmimisyon, tree planting activities, Unity games at iba pa.
Aral ng Dios
Awit 133:1 ""Masdan ninyo, na PAGKABUTI at PAGKALIGAYA sa mga MAGKAKAPATID na magsitahang magkakasama sa PAGKAKAISA""
Maliwanag sa talata na ang maidudulot ng pagkakaisa ay ang mabuti at maligayang pagsasamahan ng magkakapatid. Ito ay kaaya-aya sa harapan ng Dios.
Aral ni Cristo
Juan 17:9, 11""Idinadalangin ko sila: hindi ang sanglibutan ang idinadalangin ko, kundi yaong mga sa akin ay ibinigay mo; sapagkat sila'y Iyo:...at wala na ako sa sanglibutan, at ang mga ito ay nasa sanlibutan, at ako'y paririyan sa Iyo. Amang banal, ingatan mo sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin, UPANG SILA'Y MAGING ISA, na gaya naman natin.""
Idinadalangin ng ating Panginoong Jesucristo na yaong mga ibinigay ng Ama sa kanya o ang kanyang mga hinirang na kaanib sa kanyang Iglesia ay maging isa. Ang pagkakaisang idinadalangin Niya ay yung gaya ng pagkakaisa ni Cristo at ng Panginoong Dios.
Kaisa ng Diyos at ni Cristo
Juan 17:21, 23 ""Upang silang lahat ay MAGING ISA; NA GAYA MO AMA, SA AKIN, AT AKO'Y SA IYO, NA SILA NAMA'Y SUMAATIN: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako'y sinugo mo....Ako'y sa kanila, at Ikaw ay sa akin, upang sila'y MALUBOS SA PAGKAKAISA; upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo, at sila'y iyong inibig, na gaya ko na inibig mo.""
Ang kaisahan ng Iglesia ay hindi lamang kaisahan ng mga kaanib nito kundi kaisa rin dito ang Panginoong Dios at ang Panginoong JesuCristo ("...na sila nama'y sumaatin").
Itinuro ng mga Apostol
1 Corinto 1:10 ""Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating JesuCristo, na kayong lahat ay MANGAGSALITA NG ISA LAMANG BAGAY at HUWAG MANGAGKAROON SA INYO NG MGA PAGKAKABAHABAHAGI; kundi KAYO'Y MANGALUBOS SA ISA LAMANG PAG-IISIP AT PAGHATOL.""
Maliwanag sa mga talatang nasa itaas na kaya tinutupad ng Iglesia ni Cristo ang pagkakaisa ay hindi lamang dahil sa itinuro ito ng mga apostol kundi lalo na ay ito ay aral ng Dios at ni Cristo na nakasulat sa Biblia.
itutuloy...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento