Lokal ng Virginia Beach, Virginia |
Kung bakit patuloy na nagpapatayo ang Iglesia ni Cristo ng mga gusaling sambahan ay dahil sa ito ay UTOS NG DIYOS upang doon isagawa ang pagsamba ng kanyang mga lingkod.
Haggai 1:8 ""Magsiahon kayo sa bundok, at mangagdala ng kahoy, at mangagtayo kayo ng bahay; at aking kalulugdan, at ako'y luluwalhati, sabi ng Panginoon.""
Ngunit may mga nagsasabi na mali raw tawaging "Bahay ng Dios" ang gusaling sambahan dahil ayon sa Biblia, ang bahay ng Dios ay ang tunay na Iglesia at ang mga kaanib nito. Dapat malaman ng mga tumutuligsa na hindi namin ito tinututulan dahil sa ito ay aral din ng Biblia.
Bahay ng Dios: Ang tunay na Iglesia
1 Timoteo 3:15 ""Nguni't kung ako'y magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila sa BAHAY NG DIYOS, na siyang IGLESIA ng Dios na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan.""
Kaya tinatawag na bahay o tahanan ng Dios ang tunay na Iglesia ay dahil sa ito ay tahanan ng Dios sa espiritu.
Efeso 2:20-22 ""Na mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok; Na sa kaniya'y ang buong gusali, na nakalapat na mabuti, ay lumalago upang maging isang templong banal sa Panginoon; Na sa kaniya'y itinayo naman kayo upang maging TAHANAN NG DIYOS SA ESPIRITU.""
Bahay ng Dios: Ang mga kaanib ng Iglesia
1 Corinto 3:1, 16 ""At ako, MGA KAPATID, ay hindi nakapagsalita sa inyo na tulad sa mga nasa espiritu, kundi tulad sa mga nasa laman, tulad sa mga sanggol kay Cristo......Hindi baga ninyo nalalaman na kayo'y TEMPLO NG DIOS, at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo?""
Mali bang tawaging bahay ng Dios ang templo o gusaling sambahan?
Isaias 2:3 ""At maraming bayan ay magsisiyaon at mangagsasabi, Halina kayo, at tayo'y magsiahon sa bundok ng Panginoon, sa BAHAY NG DIOS ni Jacob; at tuturuan niya tayo ng kaniyang mga daan, at tayo'y magsisilakad sa kaniyang mga landas: sapagka't mula sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem.""
Nehemias 13:7 ""At ako'y naparoon sa Jerusalem, at naalaman ko ang kasamaang ginawa ni Eliasib tungkol kay Tobias, sa paghahanda niya sa kaniya ng isang silid sa mga looban ng BAHAY NG DIOS.""
Awit 5:7 ""Nguni't sa ganang akin, sa kasaganaan ng iyong kagandahang-loob ay papasok ako sa IYONG BAHAY; sa takot sa iyo ay sasamba ako sa dako ng iyong BANAL NA TEMPLO.""
Kung maling tawaging bahay ng Dios ang templo o mga gusaling sambahan, ay masasabi rin nating mali sina Propeta Isaias, Nehemias at si David. Hindi ito maaari. Lalo nang hindi maaaring magkamali ang Dios sa Kaniyang pahayag.
Isaias 56:7 ""Sila ay dadalhin ko sa aking banal na bundok, at papagkakatuwain ko sila sa AKING BAHAY na dalanginan: ang kanilang mga handog na susunugin at ang kanilang mga hain ay tatanggapin sa aking dambana; sapagka't ang aking bahay ay tatawaging BAHAY NA PANALANGINAN para sa lahat ng mga bayan.""
Ang bahay ng Dios: Ayon sa ating Panginoong JesuCristo
Juan 2:13-16 ""At malapit na ang paskua ng mga Judio, at umahon si Jesus sa Jerusalem. At nasumpungan niya sa templo yaong nangagbibili ng mga baka at mga tupa at mga kalapati, at ang mga mamamalit ng salapi na nangakaupo: At ginawa niyang isang panghampas ang mga lubid, itinaboy niyang lahat sa templo, ang mga tupa at gayon din ang mga baka; at ibinubo niya ang salapi ng mga mamamalit, at ginulo ang kanilang mga dulang; At sa nangagbibili ng mga kalapati ay sinabi niya, Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito; huwag ninyong gawin ang BAHAY NG AKING AMA na bahay-kalakal.""
Maliwanag sa talata na ang templo ay tinawag ni Jesus na "bahay ng aking Ama". Ngunit isa sa mga ginagamit ng mga tumutuligsa sa Iglesia ay ang nakasulat sa Gawa 17:24.
Gawa 17:24 ""Ang Dios na gumawa ng sanglibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto, siya, palibhasa'y Panginoon ng langit at ng lupa, ay hindi tumatahan sa mga TEMPLONG GINAWA NG MGA KAMAY""
Hindi namin tinututulan ang sinabi ni Apostol Pablo. Ngunit bakit ba ito sinabi ni Apostol Pablo gayong napakaraming talata sa OT na nagsasabing ang templo ay Bahay ng Dios?
Isaias 66:1 ""Ito ang salita ni Yahweh: "Ang aking trono ay ang kalangitan, At itong daigdig ang aking tuntungan; Saan ka gagawa,paano mo gagawin ang aking Templo, Na aking tiraha't pahingahang dako?""
Samakatuwid, tinatawag ang templo na bahay ng Dios hindi dahil sa ito ang tirahan ng Dios at ito ang kanyang pahingahang dako. Bakit ito tinatawag na bahay ng Dios gayong hindi Niya ito tirahan at pahingahang dako?
1 Hari 8:27-29 ""Nguni't katotohanan bang tatahan ang Dios sa lupa? Narito, sa langit at sa langit ng mga langit ay hindi ka magkasiya; gaano pa sa bahay na ito na aking itinayo! Gayon ma'y iyong pakundanganan ang dalangin ng iyong lingkod at ang kaniyang pamanhik, Oh Panginoon kong Dios, na dinggin ang daing at dalangin na idinadalangin ng iyong lingkod sa harap mo sa araw na ito: Na anopa't ang iyong mga mata ay idilat sa dako ng bahay na ito gabi at araw, sa dakong iyong sinabi, ANG AKING PANGALAN AY DOROON ; upang dinggin ang panalangin na idadalangin ng iyong lingkod sa dakong ito.""
Awit 26:8 ""Panginoon, aking iniibig ang tahanan ng iyong bahay, at ang dako na TINATAHANAN NG IYONG KALUWALHATIAN.""
2 Chronicles 7:15-16 ""Ngayo'y ang aking mga mata ay didilat, at ang AKING PAKINIG ay makikinig, sa dalangin na gagawin sa dakong ito. Sapagka't ngayon ay aking pinili at itinalaga ANG BAHAY na ito, upang ang AKING PANGALAN AY DUMOON magpakailan man; at ang AKING MGA MATA at ang AKING PUSO ay DOROONG PALAGI.""
Maliwanag sa mga talata sa itaas na kaya ito ay tinatawag na bahay ng Dios ay dahil doon tumatahan ang Kaniyang Pangalan, ang Kaniyang kaluwalhatian, ang Kaniyang mga mata, pakinig at puso.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento