Martes, Abril 23, 2013
Ang Pangalang Itinatawag sa mga Alagad ni Cristo
Juan 10:3 ""Binubuksan siya ng bantaypinto; at dinirinig ng mga tupa ang kaniyang tinig: at TINATAWAG ANG KANYANG SARILING MGA TUPA SA PANGALAN, at sila'y inihahatid sa labas."" (AB)
Batay sa talata, tinatawag SA PANGALAN ang mga tupa ni Cristo. Ang mga tupang tinutukoy sa talata ay hindi literal na mga tupa, kundi sila ay mga TAO ng Dios o mga alagad ng ating Panginoong Jesu Cristo. Ito ang nakasulat sa Biblia:
Ezekiel 34:31 ""At kayong mga tupa ko, na MGA TUPA SA AKING PASTULAN AY MGA TAO, at ako'y inyong Dios, sabi ng Panginoong Dios.""
Maliwanag sa mga talata sa itaas NA MAY PANGALANG ITINATAWAG SA SARILING MGA TUPA o ALAGAD ng ating Panginoong Jesu cristo. Alin ba ang pangalang itinatawag sa mga tupa o sa mga alagad ng panginoong JesuCristo?
James 2:7 ""Do they not insult the holy name of Christ by which you are called?"" (CCB)
Santiago 2:7 ""Hindi ba't dinudusta nila ang BANAL NA PANGALAN NI CRISTO, NA SA INYO'Y ITINATAWAG?""
Maliwanag na pangalan ni Cristo ang itatawag sa mga alagad ni Cristo. Gaano ba kahalaga ang pangalang Cristo na ibinigay ng ating Panginoong Dios na itinatawag sa kanyang mga tupa o mga alagad?
Gawa 4:12 ""Kay JESUCRISTO lamang matatagpuan ang kaligtasan. Sapagkat sa silong ng langit ANG KANYANG PANGALAN LAMANG ang ibinigay ng Dios sa ikaliligtas ng tao.""
Maliwanag ayon sa talata kung ano ang pangalang ibinigay ng Dios at kung gaano ito kahalaga. Ito ay dahil sa kay Cristo lamang matatagpuan ang kaligtasan. Paano ba itawag ang pangalang Cristo sa kanyang mga tupa o Alagad?
Acts 20:28 “"Take heed therefore to yourselves and to all the flock over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST which he has purchased with his blood.”" (LT)
Gawa 20:28 ""Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.” (LT)
Samakatuwid, hindi tunay na Iglesia at hindi siyang ililigtas ni Cristo kung hindi ito tinatawag sa pangalan ni Cristo o sa pangalang IGLESIA NI CRISTO.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento