Sabado, Mayo 11, 2013

Ang Pagkakaisa ng Iglesia ni Cristo...(Part 2)



Sa nakaraang post ay napag-alaman natin kung kaninong utos ang  pagkakaisa. Tinuturing ng Iglesia ni Cristo na ang doktrinang ito ay mahalaga dahil sa mga katotohanang nakasaad sa Biblia.

Iisang katawan kay Cristo

Romans 12:4-5 ""Sapagkat kung paanong sa ISANG KATAWAN ay mayroon tayong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain: ay gayon din tayo na marami, ay IISANG KATAWAN KAY CRISTO, at mga SANGKAP NA SAMA SAMA SA ISA'T ISA.""

Ayon kay Apostol Pablo, ang mga kaanib ay nasa iisang katawan kay Cristo. Bagaman maraming mga sangkap na hindi pareho ang gawain ay sama-sama pa rin sa isa't isa. Ang katawang tinutukoy ni Apostol Pablo ay ang Iglesia:

Colosians 1:8 ""At siya ang ulo ng KATAWAN, samakatuwid baga'y ng IGLESIA......""

Sino ang naglagay at bakit inilagay ang mga sangkap sa isa lamang katawan?

1 Corinto 12:18, 25 ""Datapuwa't ngayo'y INILAGAY NG DIOS ang bawat isa sa mga sangkap ng katawan, ayon sa kaniyang minagaling......Upang HUWAG MAGKAROON NG PAGKAKABAHA-BAHAGI SA KATAWAN kundi ang mga sangkap ay MANGAGKAROON NG MAGKASING-ISANG PAG-IINGAT SA ISA'T ISA""

Ang Dios mismo ang naglagay ng mga sangkap sa isa lamang katawan, ito ay upang huwag magkaroon ng pagkakabaha-bahagi. Ayaw ng Dios na ang mga kaanib sa Iglesia ay magkakaron ng pagkakabaha-bahagi.

Pagkakabaha-bahagi: Ayaw ng Dios

1 Corinto 3:3-4 ""Sapagkat kayo'y MGA SA LAMAN PA: sapagka't  samantalang sa inyo'y may mga paninibugho at mga pagtatalo, hindi baga kayo'y mga sa laman, at kayo'y nagsisilakad ayon sa kaugalian ng mga tao? Sapagka't kung sinasabi ng isa, ako'y kay Pablo; at ng ubam ako'u kay Apolos; hindi baga kayo'y mga tao?""

Roma 8:9 ""Datapuwa't KAYO'Y WALA SA LAMAN KUNDI NASA SA ESPIRITU, kung gayo'y tumitira sa inyo ang Espiritu ng Dios, Datapuwa't kung ang sinoma'y walang Espiritu ni Cristo, SIYA'Y HINDI SA KANIYA.""

Santiago 3:14-15 ""Ngunit kung kayo'y mayroong mapapait na paninibugho at PAGKAKAMPIKAMPI sa inyong puso, ay HUWAG NINYONG IPAGMAPURI at huwag magsinungaling laban sa katotohanan. Hindi ito ang karunungang bumababa mula sa itaas, kundi ANG NAUUKOL SA LUPA, SA LAMAN, SA DIABLO.""


Ang pagkakabahabahagi at pagkakampikampi ay sa laman. Ayon sa talata ang mga lingkod ng Dios ay wala sa laman kundi nasa Espiritu. Kung walang Espiritu ni Cristo, siya'y hindi sa Kaniya. Kung ang tao ay sa laman siya ay sa Diablo.

Upang manatili ang Dios sa atin

2 Corinto 13:11 ""Sa katapustapusan, MGA KAPATID, paalam na, Mangagpakasakdal kayo; mangaaliw kayo; MANGAGKAIISA KAYO NG PAG-IISIP; mangabuhay kayo sa kapayapaan: at ang DIOS NG PAGIBIG AT NG KAPAYAPAAN AY SASA INYO.""

Efeso 4:4-6 ""May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo;  Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo, isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasaibabaw sa lahat, at sumasalahat, sa nasa lahat.""

Upang manatili ang Dios sa atin, isa sa mga payo ng mga apostol ay mangagkaiisa ang mga lingkod niya ng pagiisip. May isa lamang katawan o Iglesia na may
 isang pananampalataya, isang bautismo at isang Dios lamang. Kung mayroong pagkakabahabahagi, ito ay makasisira sa iisang katawan. Ang pagkakaisa ay mahalagang aral ng Dios na dapat mamalagi sa Iglesia sa lahat ng panahon at pagkakataon . Ang pananatili ng pagkakaisa ay pananatili rin ng Dios sa mga lingkod Niya.

itutuloy...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento